top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

SB19, PINARANGALAN NG SENADO DAHIL SA GLOBAL SUCCESS

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by BRO @Entertainment | September 29, 2026



SB19 sa Senado Joseph B. Vidal - Senate Social Media Unit.jpg

Photo: SB19 kinilala ng Senado / Joseph B. Vidal - Senate Social Media Unit



Kinilala ng Senado ang SB19 dahil sa mga naging tagumpay ng grupo sa international music scene at sa pagdadala ng musikang Pilipino sa pandaigdigang entablado.


Personal na tinanggap ng grupo ang Senate Resolution No. 545, na kumikilala sa kanilang performance sa Lollapalooza Chicago 2026 at ambag sa creative industries ng bansa.


Ayon kay Sen. Bam Aquino, unang homegrown Filipino act ang SB19 na nagtanghal sa Lollapalooza noong Hulyo 30 sa Grant Park sa Chicago.


Pinuri rin ng mga senador ang limang miyembro ng grupo—Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin—at ang A’tin bilang mahalagang bahagi ng kanilang tagumpay.


Binigyang-diin ni Aquino ang potensiyal ng creative industries na makalikha ng trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino, habang sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na dala ng SB19 sa mundo ang musika, wika, kultura at talento ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page