top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sawa nang maging kasambahay, may chance umunlad sa abroad

BULGAR
Jul 14, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | July 14, 2022




KATANUNGAN

  1. Bata pa lang ako ay namasukan na ako bilang kasambahay at hanggang ngayong 35 na ako ay ganu’n pa rin ang trabaho ko. Kumbaga, sawang-sawa na ako sa pagkakatulong at halos naranasan ko na ang lahat ng gawaing bahay. Ngayon, balak ko namang mag-apply sa mga department store bilang saleslady o maging factory worker.

  2. Kung aalis ako sa kasalukuyan kong trabaho at mag-a-apply ako para magkaroon ng ibang hanapbuhay at lumaki naman ang aking suweldo, susuwertehin ba akong matanggap? Kahit papaano ay nakatapos naman ako ng high school.

  3. Kung matatanggap ako, ito na ba ang simula ng pagbabago sa aking kapalaran at makakatikim na ba ako ng pag-asenso?

KASAGUTAN

  1. Para mas maganda, subukan mong mag-apply sa abroad. Ito ang nais sabihin ng mahaba at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung gusto mo talagang baguhin ang iyong kapalaran o tadhana, mas makabubuting sa ibayong-dagat ka makipagsapalaran.

  2. Ang pag-aanalisang basta’t pinilit mo o magtangka kang mag-apply sa ibang bansa ay siguradong matutuloy, ay madali namang kinumpirma ng iyong lagda na malalaki ang letra at paalon-alon na parang lumilipad.

  3. Ito ay malinaw na tanda na ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious mong isipan ang maganda at positibong mangyayari sa iyo sa ibayong-dagat kung lalakasan mo ang iyong loob na mag-apply ngayon.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Samantha, halimbawang nakapasok ka sa mga local factories o naging saleslady ka ng isang department store, ang tanong, lalaki ba ang suweldo mo? Bagama’t medyo lalaki nga ang sahod mo, lalaki rin ang iyong gastos. Halimbawa, sa pagkain at pamasahe. Kaya kung ikukumpara sa kasalukuyan mong sahod ang kinikita ng mga saleslady o factory worker sa ating bansa, kung tutuusin ay mas malaki pa ang take home income mo dahil habang ikaw ay kasambahay, libre ka na sa pagkain, libre ka pa sa pamasahe.

  2. Hindi tulad ng saleslady o factory worker, ibabawas pa sa sahod nila ang araw-araw na pagkain, pamasahe at minsan ay bumibili pa sila ng damit, kolorete sa mukha o sapatos dahil kailangan ‘yun sa kanilang pinapasukan. Hindi tulad ng kasambahay, kahit nakapambahay ay puwede ka nang sumuweldo at tulad ng nasabi na, kahit wala kang kolorete sa katawan, walang kaso ‘yun, basta nagagawa mo ang mga gawaing bahay.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Samantha, tulad ng nasabi na, ‘wag ka nang magtangkang mag-apply sa local companies o pabrika dahil wala ring mangyayari sa iyong buhay dito sa ating bansa. Bagkus, ang ipinapagawa ng iyong kapalaran ay mag-apply ka sa ibang bansa at makikita mo sa susunod na taong 2023 at sa edad mong 36 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page