top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sari-sari store na nagbebenta ng gamot, 'wag pasaway

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2022
1 min read

@Editorial | February 19, 2022



Sa ilalim ng Section 30 ng Republic Act No. 10918 o mas kilala bilang Philippine Pharmacy Act, tanging ang mga retail drug outlets o pharmacies na lisensyado ng Food and Drugs Administration (FDA) ang maaari lamang magbenta ng mga gamot sa consuming public.


Kaya umapela ang publiko na payagan din ang mga sari-sari stores na magbenta ng over-the-counter (OTC) na mga gamot, pero huwag lamang ang mga nangangailangan ng reseta mula sa mga doktor.


Kasunod ito ng utos ng Department of Interior and Local Government sa kapulisan na arestuhin ang mga sari-sari store owners na nagbebenta ng gamot.


Gayunman, agad ding nilinaw ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na maaari namang mag-apply ang mga sari-sari stores ng authorization mula sa FDA para makapagbenta ng mga gamot.


Sa oras na mabigyan ng authorization ng FDA ang isang sari-sari store ay saka pa lamang maaari itong magbenta ng mga gamot.


Sana ay maunawaan din ng mga owner ng sari-sari store na kailangan itong gawin upang matiyak na safe ang gamot na nabibili at upang mapigilan ang paglaganap ng pekeng gamot.


Dapat tayong sumunod sa batas o mga panuntunan para walang problema.


Maaaring medyo abala ito pero, maganda naman ang layunin kaya makiisa tayo.


Para rin ito sa kapakanan ng lahat lalo na ngayong panahon ng pandemya na talagang kailangan ang gamot. Huwag nating hayaan na samantalahin ng mga pasaway ang sitwasyon para makapanlamang ng kapwa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page