ni Twincle Esquierdo | August 6, 2020
Niyanig ng lindol ang Sarangani, Davao Occidental kaninang 10:03 ng gabi.
Ayon sa Phivolcs namataan ang sentro ng lindol sa 03.83°N, 126.08°E - 190 km S 21° E ng Sarangani.
May lalim itong 124 kilometro at tectotic ang pinagmulan ng lindol.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershock matapos ang pagyanig.
Samantala, una ng niyanig ng lindol ang Currimao, Ilocos Norte kaninang alas-9 ng gabi ng magnitude 3.7 na naitala sa 18.14°N, 120.36°E - 018 km N 44° W ng Currimao.
May lalim itong 14 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Wala ring inaasahang pinasala at aftershock matapos ang pagyanig