Search
  • BULGAR

Sanhi ng madalas na pagsakit ng tainga ng mga bata

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | June 30, 2020



Dear Doc. Shane,

Madalas sumasakit ang kaliwang tainga ng aking anim na taong gulang na anak at nang silipin ko ay parang may something na matigas sa loob nito. Pinainom ko muna siya ng paracetamol habang hindi ko pa siya naipakokonsulta sa doktor dahil napakahirap pa ng transportasyon sa amin dahil walang jeep. Gayunman, ano kaya ito gayung madalas ko naman linisan ang kanyang tainga?

– Adelle

Sagot


Ang luga o impeksiyon sa tenga (Otitis media) ay siyang pangunahing sanhi ng pananakit ng tainga. Bagaman ang luga ay siyang karaniwang sanhi ng pagiging iritado ng mga sanggol o mga bata, ito ay puwede ring makaapekto sa mga matatanda.


Ano ang luga?


Ang impeksiyon sa gitnang bahagi ng tainga o ang patlang o espasyo sa likod ng eardrum kung saan ang maliliit na mga buto ay sumasagap sa mga vibration at ihinahatid ito sa loob ng tainga, ay kadalasang kasama ng sipon, trangkaso at iba pang impeksiyon sa respiratory system.


Ito ay dahil ang gitnang bahagi ng tainga o ang middle ear ay konektado sa itaas na bahagi ng respiratory tract sa pamamagitan ng maliit na daanan na kung tawagin ay Eustachian tube. Ang mga mikrobyong nabubuhay sa ilong at sinus ay maaaring umakyat sa tubong ito at makapasok sa middle ear at lalo pang dumami.


Mainam na dalhin sa doktor ang anak n’yo upang makita kung ano ang tiyak na sakit nito. Kung ‘yan ay impeksiyon sa tainga, magrereseta ang doktor ng mabisang gamot na angkop para sa kanyang kalagayan.


Titingnan din kung may bara o luga ang tainga gamit ang isang uri ng otoscope na may kakayahang umihip ng kaunting hangin sa eardrum. Ang hanging ito ay magpapabalik-balik sa loob ng tainga. Kung may luga ang pasyente, ang hangin ay hindi gaanong kikilos.


Kadalasan, virus ang sanhi ng pagkakaroon ng impeksiyon sa tenga o luga. Sa kasong ito, hindi makakatulong ang pagbibigay ng antibiotic sa pasyente. Kung sa tingin ng doktor, base na rin sa history ng pasyente ay bakterya ang sanhi nito, magrereseta siya ng antibiotic.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.