@Editorial | Pebrero 5, 2024
Panibagong kalbaryo na naman ang kinakaharap ng ilang account holders ng mga e-wallet dahil sa paglaho na parang bula ng kanilang pera sa kanilang mga account.
Hindi namalayan ng mga account holders na nasimot na ang kanilang pera.
Ang nakakagimbal pa rito, iisang merchant lang umano ang napaglipatan ng pera ng sampung account holders na nagreklamo.
Wala namang magawa ang mga nagreklamo kundi ang manlumo na lang sa pinaghirapan nilang pera na nawala dahil legal naman daw umano ang kanilang naging transaksyon ayon sa kapulisan.
Ayon sa National Bureau of Investigation, dapat umanong magkaroon ng batas para mabantayan ang mga merchant na gumagamit ng e-wallet payment upang madali silang makausap ng mga consumer.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng NBI ang insidente.
Panawagan sa mga kinauukulan, panagutin ang mga sangkot dito dahil ang perang nawala mula sa mga indibidwal na nagreklamo ay napakahalaga lalo na sa hirap ng buhay ngayon.
Ganundin sa mga kumpanya ng e-wallet, sana’y makipagtulungan sa kinauukulan kung paano magiging mas ligtas ang pera ng publiko laban sa mga scammer.
תגובות