top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sandiganbayan ibinasura hirit ni Congw. Garin, kaya kakaba-kabang maghimas-rehas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 13, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Enero 13, 2024


‘UTAK’ NG PAMIMILI NG LAGDA SA CHA-CHA, HUHUBARAN NG MASKARA NI SEN. IMEE --Nagsulong na si presidential sister, Sen. Imee Marcos ng resolusyon na imbestigahan ng Senado ang bilihan ng lagda sa mga botante sa bansa para sa People’s Initiative na Charter Change (Cha-cha) o pagbabago sa Saligang Batas ng Pilipinas.


Ibig sabihin n’yan ay desidido talaga si Sen. Imee na hubaran ng maskara ang mga nasa likod ng pamimili ng lagda ng mga botante para sa Cha-cha, boom!


◘◘◘


P-BBM NAGTALAGA NA NAMAN NG ISANG ‘DILAWAN’ SA KANYANG GOBYERNO -- Isa na namang “dilawan” sa katauhan ni Batangas Rep. Ralph Recto ang binigyan ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ng posisyon sa pamahalaan nang italaga niya ito bilang kalihim ng Dept. of Finance (DOF), kapalit ng sinibak na si Benjamin Diokno.


Tama naman ang naging desisyon ni P-BBM na alisin sa puwesto si Diokno dahil marami itong polisiyang anti-poor, kaya lang tiyak maraming Marcos loyalists ang madidismaya na naman kay P-BBM kasi ang ipinalit niya kay Diokno ay ang “dilawang” politician na si Ralph Recto, boom!


◘◘◘


PAG-REJECT NG SANDIGANBAYAN SA HIRIT NI CONGW. GARIN INDIKASYON NA MALAPIT NA SIYANG MAKULONG -- Ni-reject ng Sandiganbayan ang hirit ni Iloilo Rep. Janette Garin na idismis ang kinakaharap niyang kasong graft na may kinalaman sa Dengvaxia vaccines.


Dahil d’yan ay tiyak kakaba-kaba na si Garin kasi ang pag-reject ng Sandiganbayan sa kanyang hirit ay indikasyon na malapit na siyang makulong, abangan!


◘◘◘


HINDI MAN MAGING P50, PERO POSIBLE NA PUMALO SA P30 HANGGANG P40 ANG PAMASAHE SA PUV MODERNIZATION PROGRAM -- Hindi man umabot sa P50 ang pamasahe sa pagpapairal ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ay may pangamba si 1-Rider partylist Rep. Bonifacio Bosita na papalo sa P30 hanggang P40 ang pamasahe para raw ma-cover ang buwanang pagbabayad ng mga jeepney operator at tsuper sa mga kukunin nilang mga hulugang bagong e-jeep na gawang China.


Ang sinabing ‘yan ni Cong. Bosita ay pagpapatunay na ‘yang PUVMP ng Marcos administration ay dagdag-pahirap sa mga pasahero, operator at tsuper ng mga public transport sa ‘Pinas, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page