top of page

Sana raw suportahan din ng pamilya… DIMPLES: MARIS AT ANTHONY, ‘WAG HUSGAHAN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2024
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 7, 2024



Photo: Dimples Romana, Maris Racal at Anthony Jennings - IG


Nahingan ng opinyon ang aktres na si Dimples Romana ukol sa isyu nina Maris Racal at Anthony Jennings.  


Sa panayam ni MJ Marfori, ibinahagi ng aktres ang kanyang thoughtful response at sinabi niyang huwag nang dagdagan pa ng anumang judgment ang dalawang celebrities.  


Ang video ng interview ay naka-post sa TikTok, kung saan ang thoughtful at heartfelt response ni Dimples ay nakakuha ng atensiyon. 


Aniya, “Judgment is always being passed left and right, and I would not want to add up anymore to that judgment. My only prayer is that, again, in everything that we go through, both sides, all sides, sana ay mapagdaanan nila ito ng may matatag na puso at kalamnan.”  


Dagdag pa ni Dimples, “Kasi, nobody wants this on anybody. Kahit hindi mo pa gusto ‘yung tao, wala kang magugustuhan na pagdaanan nila ito. At sa totoo, mga bata ito. ‘Pag iniisip ko nga, kung ‘yung mga anak ko, may pinagdaanang ganito, ano kaya ang nararamdaman ng mga magulang nila? So sana, ang pamilya rin nila will be there to support them, to love them, at mapagdaanan sana nila ito with grace, ‘ika nga.”


Tama ang suggestion ni Dimples, huwag na ngang husgahan pa kung ano ang isyu ng MaThon. Malaking bagay na kakampi nila ang pamilya nila para malinawan sa mga nangyayari.  



Simpleng Julia Montes ang humarap sa mediacon ng kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Topakk.


Sa teaser na ipinakita, hindi drama ang ipinamalas ni Julia kundi ang husay niya sa aksiyon.  


Katunayan, puring-puri ng producer na si Sylvia Sanchez ang aktres. 

Pagbubulgar pa ng beteranang aktres/producer, “Si Julia ang aktres na walang kaarte-arte sa katawan. Katunayan, sa fight scenes nila ay napako pa ang tuhod n’ya.


Pero ‘di siya nagreklamo kahit nakikita niyang dumurugo na ang kanyang tuhod. Ganyan s’ya ka-professional. Walang reklamo kahit nasasaktan na,” ani ng producer ng Nathan Studios.  


“S’ya rin ang aktres na puwedeng-puwede talagang isabak sa aksiyon,” dagdag pa ni Sylvia.  


Si Arjo Atayde, ang lead actor sa MMFF entry ng Nathan Studios, ay bumilib sa kanyang leading lady. Nagkatrabaho na rin sila noon ng aktres sa 24/7 na may temang aksiyon din, kaya alam na niya kung gaano ka-dedicated sa trabaho ang aktres.  


Katunayan, ang description nga niya kay Julia ay “a holy creativity”. At para naman kay Julia, “brilliant” ang aktor, na totoo naman.  


Kasama rin sa Topakk sina Sid Lucero, Enchong Dee, Paolo Paraiso, Cholo Barretto, Maureen Mauricio, at iba pa, sa direksiyon ni Richard Somes.  


Well, ipinagmamalaki ni Direk Somes na ang Topakk ang magbabalik ng action movies sa industriya sa sandaling mapanood ng moviegoers ang kanilang pelikula sa 50th anniversary ng MMFF sa darating na December 25. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page