top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Same sex relationship, nakatakda sa bading na bet ang ka-work dahil ka-compatible

  • BULGAR
  • Mar 14, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 14, 2021



Dear Maestro,


Ako ay isang bading, pero may nililigawan akong lalaki ngayon, kasamahan ko rin siya sa trabaho at wala naman siyang girlfriend. Maganda naman ang ipinapakita niya sa akin kaya feeling ko, may pag-asa ako sa kanya.


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung tama ba ang kutob ko na may pagtingin din sa akin ang nililigawan ko na isinilang noong October 29, 1990 at November 16, 1990 naman ako?

Umaasa,

Ram ng San Jose, Noveleta, Cavite



Dear Ram,


Ayon sa pag-aanalisang Astro-Numerology, magkatugma o magka-compatible kayo ng lalaking nililigawan mo. Dahil kapwa kayo nagtataglay ng zodiac sin na Scorpio kung saan dahil parehong Scorpio ang zodiac sign n’yo, kapwa kayo pinaghaharian ng elementong tubig o water, sa ruling planet na Mars.


Habang, ayon naman sa taglay n’yong mga numero, sinasabing pareho kayong nagtataglay ng weak number na 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) ng nililigawan mo at 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) naman ang birth date mo na isa ring weak number. Ibig sabihin, walang alinlangang sa pagsusuring Astro-Numerology, tugma at compatible talaga kayong dalawa.


Kaya kung wala naman siyang girlfriend at sabi mo nga ay maganda o positive naman ang ipinakikita niya sa iyo, ituloy mo lang ang iyong panliligaw dahil posibleng sa bandang huli ay makursunadahan ka rin niya, higit lalo kung siya ay madalas mong mapansing mahilig magsuot ng kulay na puti, itim at pula.


Ang kulay na itim at pula, lalo na kung ito ay madalas isuot na magka-kumbinasyon ay nagbabadya ng unconscious immorality. Kung saan, ‘wag na nating i-deny na sa sandaling nagkarelasyon kayong dalawa at nagmahalan bilang mag-lover, maliwanag na ang nasabing relasyon ay mapabibilang sa tinatawag na “immoral love affair” dahil nga kapwa kayo lalaki, kung saan sa kasalukuyan, ang same sex relationship ay hindi pa naman lubusang tinatanggap sa kulturang kinalakihan sa ating bansa.


Gayunman, kahit sabihin pang lihis sa kabutihang asal ang nasabing relasyon, ayon sa iyong Love Calendar, hindi matatapos ang taong ito 2021, sa edad n’yong 30 pataas, bago kayo lubusang tumuntong sa edad na 31, tiyak ang magaganap, magiging “papa” mo na rin sa wakas ang nasabing lalaki, upang habang lumalapit ang panahon ng tag-araw, ang panahong ito ay itatalang isa sa pinakamasayang summer mo sa kasaysayan ng iyong love life.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page