top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sama-samang babangon sa pandemya

BULGAR
Oct 17, 2021
1 min read

@Editorial | October 17, 2021


Epektibo umano ang alert level system na kasalukuyang pinapairal sa iba’t ibang siyudad sa Metro Manila upang ma-control ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Ito ay kaugnay ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw, mula nang maimplementa ang nasabing sistema sa rehiyon.


Ayon pa sa data, nabawasan ang nagre-require ng isolation facilities o ng hospitalization kumpara noong surge ng virus dahil sa Delta variant.


Dagdag pa ni Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center (OHCC), maging ang natatanggap nilang tawag para mag-request ng ospital ay bumulusok sa mababang daily average calls na dati nilang natatanggap.


Mahigit isang taon na tayong nakikipaglaban sa pandemya, kung saan maraming buhay at kabuhayan ang nawala. Apektado ang lahat ng estado dahil walang pinalampas, mayaman o mahirap ay nadale kaya naman, nakatutuwa na kahit papaano ay may mabuting progresong nangyayari.


Sa pagsisikap ng gobyerno at pakikipagtulungan ng mamamayan, paniguradong sabay-sabay tayong makakahon mula sa kalbaryo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page