top of page

Sakto ngayong summer... Alamin: Iba't ibang health benefits ng kundol o winter melon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 8, 2021
  • 2 min read

ni Justine Daguno - @Life and Style | March 8, 2021



ree


Summer na ulit! Meaning, marami na naman ang kani-kanyang diskarte para maging ‘feeling fresh’ ngayong tag-init. At isa sa mga paborito natin d’yan ay ang pag-inom ng malalamig na inumin, kaya for sure ay milktea pa more na naman, mga beshy!


Pero knows n’yo ba na ang isa sa mga best seller flavor ng milktea na winter melon o kundol sa Tagalog ay napakarami palang health benefits? Truly, narito ang ilan sa magandang naidudulot nito sa atin:


PAMPALINAW NG PANINGIN. Ang winter melon ay nagtataglay ng mataas na lebel ng Vitamin B2 o riboflavin, bitamina na kailangan para mapanatili ang malinaw na paningin. Kung mapananatili ang sapat na Vitamin B2 sa ating sistema, maiiwasan ang iba’t ibang eye disorders.


PAMPALAKAS NG RESISTENSIYA. Kilala rin ang winter melon bilang ‘immune system booster’, kung saan sa kada serving nito ay sigurado na ang required na konsumo ng Vitamin C sa ating katawan. Bukod pa riyan, nakatutulong din ito para maiwasan ang mga free radicals. Gayundin, nagtataglay ito ng zinc, na isa pang bitamina na pampalakas ng resistensiya.


OKS SA DIGESTION. Ang winter melon ay isa sa mga good source ng dietary fiber. Importante ang fiber para mapaganda ang digestion at maiwasan ang mga gastrointestinal issues, tulad ng constipation, bloating, cramping, hemorrhoids, at iba pang sakit sa tiyan.


NATURAL NA PANG-DETOX. Sa traditional medicine, ang winter melon ay ginagamit bilang diuretic, kung saan nakatutulong para-detoxify ang katawan. Sa pag-ihi, natural na nailalabas ng katawan ang mga toxins, fats, asin, at iba pang unnecessary liquids. Lahat ng gulay na goods para sa detoxification ay nakatutulong para makapag-perform nang maayos ang atay at kidney.


PAMPABAWAS NG TIMBANG. Isa pa sa magandang nagagawa ng winter melon ay pampapayat. Bukod sa mataas ang fiber, napakababa rin ng calories nito. Sa pagkonsumo nito, madaling makararamdam ng pagkabusog kaya’t maiiwasan ang mga between-meal at overeating na isa sa mga dahilan kung bakit madaling nadaragdagan ang timbang.

Hindi lang masarap na flavor sa refreshing na inumin ang winter melon, kundi marami rin pala itong mabuting nagagawa sa ating katawan. Kaya naman next time na mag-o-order ng milktea, alam n'yo na?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page