Sakit sa bulsa, non-stop!
- BULGAR

- Jul 14
- 1 min read
by Info @Editorial | July 14, 2026

Hindi simpleng dagdag-gastos ang magkasunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo at singil sa kuryente.
Direktang dagok ito sa mga pamilyang matagal nang naghihigpit ng sinturon dahil sa mahal na pagkain, pamasahe at iba pang pangunahing pangangailangan.
Kapag tumaas ang petrolyo, sumusunod ang pamasahe at presyo ng mga bilihin. Kapag tumaas ang kuryente, lumalaki rin ang gastos ng mga tahanan at negosyo.
Sa huli, karaniwang mamamayan ang sumasalo sa buong bigat.
Hindi sapat ang paliwanag na dulot lamang ito ng pandaigdigang galaw ng presyo.
Kailangang kumilos ang pamahalaan—suriin ang buwis at singil, bantayan ang posibleng pagsasamantala, at magbigay ng agarang ayuda sa mga pinakaapektado.
Sa gitna ng sunud-sunod na taas-presyo, malinaw ang tanong: Hanggang kailan magtitiis ang mamamayan habang patuloy na lumalaki ang kanilang bayarin ngunit hindi ang kanilang kita?



Comments