Sagittarius gf, pinaka-compatible sa 3 dyowa kaya dapat seryosohin
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 15, 2022
Dear Maestro,
Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil hindi naman sa pagmamayabang, pero tatlo at sabay-sabay ang girlfriend ko at ngayon ay hindi ko alam kung sino ang seseryosohin ko sa kanila.
Gusto kong malaman kung sino sa kanilang tatlo ang talagang ka-compatible ko. Naka-date o nakasama ko na rin silang lahat sa iba’t ibang pagkakataon at higit akong nagandahan kay Ms. Gemini na may birth date na June 4, 1999, habang si Ms. Sagittarius at si Ms. Cancer naman, okey lang pero hindi masyadong kagandahan.
Ang birthday ni Ms. Sagittarius ay December 2, 1998, habang si Ms. Cancer naman ay July 3, 2000 at August 10, 1997 ang birthday ko.
Umaasa,
Leo Boy ng Dalandanan, Valenzuela City
Dear Leo Boy,
Ang zodiac sign mong Leo ay nagsasabing higit mong ka-compatible ang babaeng isinilang sa zodiac sign na Sagittarius kung ikukumpara kina Ms. Gemini at Ms. Cancer. Kaya sinasabing si Ms. Sagittarius na may birthday na December 2, 1998 ang higit mong ka-tugma o ka-compatible sa larangan ng Astrolohiya, sapagkat ang Sagittarius at Leo ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy.
Habang sa Numerology, ang birth date mong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) na strong ay suweto ring isama sa weak na number na 2 ni Ms. Sagittarius, kung saan ang ruling planet ng birth date mong 1 ay Sun, ganundin ang zodiac sign mong Leo ay may ruling planet ding Sun. Habang ang ruling planet ng birth date na 2 ni Ms. Sagittarius ay Moon, kung saan ang pagsasama ng “Moon at Sun” ay sadyang nagiging maligaya, maunlad at panghabambuhay.
Ibig sabihin, kung nagbabalak ka nang magseryoso sa isang babae lamang, very good ka. At ang dapat mong seryosohin na maging nobya at puwede mo na ring makasama habambuhay ay walang iba kundi si Ms. Sagittarius, na isinilang noong December 2, 1998.
Ayon sa iyong Love Calendar, kapag kayo ang nagkatuluyan, may pangako ng matagumpay at maligayang pagpapamilya habambuhay.




Comments