top of page

Safety tips habang nagsu-swimming si bagets

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 7, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 07, 2021




Panahon ng tag-init at marami ang gustung-gustong magtampisaw sa tubig. Kung malapit kayo sa mga ilog at dagat o kung may sariling swimming pool ay narito ang mga safety rules at safety measures na napakahalaga kapag ang mga bata ay nasa tubig na. Pakirebisa lamang po ang artikulo na ito at konsiderahin ang bilang ng mga bagay na maaring mangyari kapag hindi naging maingat ang lahat kapag magsu-swimming na ang buong pamilya. Tiyakin lang na mag-social distance at lumayo sa ibang tao para manatiling ligtas sa banta ng coronavirus.


1. PANSININ ANG ORAS NG BATA SA TUBIG O KUNG GAANO NA SIYA KATAGAL NAKABABAD. Please po, tiyakin lamang na ang mga bata ay uminom muna ng ilang baso ng tubig bago siya lumusong sa tubig. Iyan ay upang hindi masyadong magtagal sa paglunoy sa tubig ang mga bata. Tiyakin din kung gaano na siya katagal na nakababad sa tubig. Dapat kada kalahating oras ay may 15 minuto siyang nakaahon sa tubig at gayundin sa susunod na kalahating oras.


2. MAGING ALISTO SA KAPALIGIRAN. Kung maliligo sa dagat, napakahalaga na mabigyang babala ang mga bata hinggil sa jellyfish, delikadong makapitan nito sa katawan, kagat ng lamok o insekto at iba pang lamang-dagat para sa kanilang kaligtasan. Isa pa, kung kumikidlat, umahon na agad sa tubig at magpunta sa lugar na ligtas.


3. IWASANG MAGHARUTAN SA TUBIG. Napakagandang tingnan kapag nakikita ang mga bata na nagkakatuwaan habang nasa tubig. Gayunman, kailangan pa ring maging maingat. Kaya please lang, huwag nang payagan ang mga bata na magharutan sa tubig. Baka may masaktan sa kanila o may malunod. Please! Mag-monitor! Monitor! Monitor!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page