top of page

Safety ng mga estudyante sa mga iskul, tiyakin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 9, 2025



Editorial


Isang nakakabiglang balita ang yumanig sa bayan ng Santa Rosa, Nueva Ecija nitong Agosto 7, 2025. 


Isang 15-anyos na estudyante ang binaril ng kanya umanong dating kasintahan na edad 18, na nagbaril din sa sarili sa loob mismo ng silid-aralan. 

Paano ito nangyari sa isang lugar na dapat ay ligtas?


Habang ang atensyon ng marami ay nakatuon sa mga pang-akademikong isyu, tila nakakaligtaan ang mas mahalagang usapin: ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante habang sila ay nasa loob ng iskul.Ang pamamaril sa loob ng paaralan ay hindi lamang simpleng krimen. Isa itong patunay ng maraming bagay: una, ang pagkabigo sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga gate; pangalawa, ang pangangailangan para sa mas seryosong pagtutok sa mental health ng kabataan; at panghuli, ang nakakabahalang kadalian ng access sa mga nakamamatay na armas, kahit ng menor-de-edad.


Hindi dapat naghihintay ng trahedya bago kumilos. Kailangang mayroong konkretong hakbang tulad ng regular na inspeksyon sa mga kagamitan ng estudyante, mas mahigpit na ugnayan sa mga magulang, mental health programs, at pangmatagalang polisiya na magtitiyak ng kaligtasan sa loob ng bawat klasrum.


Hindi tayo dapat maghintay ng isa pang pamamaril. Ang panawagan para sa mas ligtas na paaralan ay hindi bukas, kundi ngayon na.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page