Sa unang 3 araw ng granular lockdown… Halos 37K violators, nahuli sa paglabag sa health protocols
- BULGAR

- Sep 19, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | September 19, 2021

Halos 37,000 ang nahuling violators ng minimum public health standards sa Metro Manila sa unang tatlong araw ng pagpapatupad ng alert levels at granular lockdowns, ayon sa Philippine National Police.
Sa 36, 854 na nahuli, kalahati sa mga ito ang binigyan lamang ng warning, habang 44% ang pinagmulta at ang iba ay dinala sa presinto para sa mga kasong kinahaharap.
"Ang bilin natin sa ating mga pulis, instead na magsagawa ng checkpoint operations doon sa mga boundary, mas i-focus natin ang deployment kung saan nagtitipon-tipon ang ating mga kababayan," ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.
93 areas sa 38 barangays sa 6 na siyudad ang isinailalim sa granular lockdown, dagdag niya.
Matatandaang sinimulan ng gobyerno noong Setyembre 16 ang pilot implementation ng bagong 5-level alert mechanism kasabay ng granular lock downs upang maiwasan ang patuloy na pataas ng kaso ng COVID-19.
As of Saturday, nakapagtala ang Pilipinas ng total na 2,347,550 confirmed COVID-19 cases, kung saan 184,088 ang nananatiling aktibo.








Comments