Sa posibleng final weekly briefings.. “Salamat sa tiwala sa akin” — P-Du30
- BULGAR

- Jun 7, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | June 7, 2022

Maaaring magtapos na ang lingguhang late-night briefings ng administrasyon na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Talk To The People ni Pangulong Duterte ng Martes, sinabi nitong posibleng ang briefing ngayong linggo ang maging huli sa mga serye na sinimulan nila noong 2020 upang ibahagi ang mga impormasyon at guidelines kaugnay sa pandemic response ng gobyerno, kabilang na ang progreso ng COVID-19 vaccine procurement.
“Maybe this will be the last of the programs na we adopted to improve the communication between the people and government,” ani Pangulo.
Ang weekly briefings ay iniere na ng Malacañang sa gabi matapos na mai-record ito nang mas maaga. Binubuo ang presentasyon nito ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ngayong Martes, nakasuot sila ng puting T-shirts na may nakaimprenta ng imahe ni Pangulong Duterte at may nakasulat na “Salamat PRRD.”
Binasa naman ni Pangulong Duterte ang isang pahayag, “I hope that everybody will come to terms with reality. You have with you a new government and I urge kayong mga Pilipino to rally behind and support the leaders… “You want the next administration to be successful.”
“Maraming, maraming salamat sa inyong pagbigay ng tiwala sa akin,” sabi pa ni Pangulong Duterte. Mahigit tatlong linggo na lamang ay tapos na ang termino ni Pangulong Duterte habang ang kanyang successor na si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay nakatakdang i-inaugurate bilang Ika-17th Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30.








Comments