Sa naganap na ceiling leaks sa opisina ng PhilHealth… “HINDI NATURAL ANG CAUSE” — LACSON
- BULGAR

- Aug 22, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 22, 2020

Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, hindi umano “natural causes” ang naganap na ceiling leaks sa opisina ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) sa Ilocos Region kamakailan.
Aniya, “May mga indikasyon na ito, hindi natural ang cause or causes. Ang report, habang nagsasagawa sila ng inventory, pagsasaliksik ng dokumento, nagtuluan. Ang tinamaan ng tulo, ang IT department at sa accounting.”
“Kaya pinagtataka natin, kamu-move in lang nila noong December 2019, bakit mag-leak kaagad? Bago ang kisame.”
Aniya ay nagulat din umano ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) personnel na nagpunta sa naturang opisina ng PhilHealth upang siyasatin ang mga records nang maganap ang naturang leakage.
Aniya, “Bakit biglang nag-leak? Kung nakita ninyo ang video, bago ang ceiling.”
Ang PhilHealth ay nahaharap sa alegasyong korupsiyon at iregularidad.





Comments