Sa mga nagsasabing bakla siya… "WHY WOULD YOU JUDGE A CHILD?" — BIMBY
- BULGAR

- Aug 7, 2020
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 7, 2020

Umaga pa lang ng Huwebes ay number one trending topic na sa Twitter si James "Bimby" Aquino-Yap dahil sa statement niya laban sa mga humuhusga sa kanyang gender.
Ini-repost ng ilang netizens ang portion sa video ng Home Tour vlog ng ina ni Bimby na si Kris Aquino sa kanyang YouTube channel. What's amusing ay tila ngayon lang napansin ng ibang netizens ang statement ni Bimby sa vlog ni Kris na two years ago nang na-upload sa YT.
Actually, lumabas kasi ulit sa Facebook ang naturang vlog ni Kris kaya siguro naungkat ulit ang gender issue kay Bimby.
But in fairness, ang daming humanga sa sagot ni Bimby sa mga nagdududa sa kanyang gender. At pati tuloy si Kris, pinapurihan ng mga netizens for raising her child well.
To recall, nagalit pa si Kris sa mga netizens noong tawaging bakla si Bimby. May-I-post talaga si Kris ng rant niya sa mga tumawag na bakla sa anak. And worst, pati ang dating broadcaster at kilalang DDS na si Jay Sonza ay sinabing "baklain" si Bimby noong mabalitang nahulog ang bunso ni Kris sa swimming pool noong 2017.
Bago pa man mag-react si Kris sa social media, inulan na ng tuligsa si Jay 'di lang ng mga fans and supporters ng dating Kapamilya star kundi pati ng iba pang netizens.
Kaya sa Home Tour vlog ni Kris ay nakapaglabas ng kanyang saloobin si Bimby tungkol sa alegasyon sa kanyang gender.
Sa isang portion ng video habang naglilibot sila sa bahay, sabi ni Bimby, "Like people think, like..."
Tanong ni Kris, "What?"
"I'm a homosexual," sagot ni Bimby.
Inayunan ni Kris si Bimby at pinayuhan na huwag maging homophobic. At kung anuman daw ang maging choice ni Bimby sa buhay, okay lang.
"Why would you judge a child?" panawagan pa ni Bimby.
Pagkatapos ay sabay sinabi ng mag-ina, "Don't judge a child."
Tapos ay tinapik nang bahagya ni Bimby si Kris para putulin saglit ang sinasabi ng kanyang ina.
"It's because we are still learning about ourselves, and puberty hasn't struck me yet. Two and a half years, Mom," reminder ni Bimby kay Kris.
Since 2017 pa ginawa ang video at kung walang lockdown, baka gumigimik na ngayon si Bimby with girls.
The way Bimby said his "piece" regarding his sexuality, lumutang ang pagiging smart ng bunso ni Kris. And both of them got the praise and approval ng mga netizens sa Twitter.
Eto ang ilan sa mga tweets na nabasa namin:
"I'm so proud of Bimby and how Kris is raising him."
"Bimby is smarter than those people who are judgmental… kudos to Kris Aquino for raising Bimby rightfully."
"This is too painful to hear. Bimby is so wise at his age. I dunno about James (Yap) or whatever he did. One thing's for sure, Bimby doesn't deserve to be hurt like that."
"The way Philippines is undeniably one of the most homophobic country and there's Bimby. Normalize parents to teach their kids that even if they are against something, at least they should respect it."
O, devah?





Comments