top of page
Search

Sa laki na P1.4B travel fund, P-BBM, sure na bago bumaba sa puwesto nakapag-around-the-world?!!

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 29, 2023


KAPAG YEARLY P1.4 B TRAVEL FUND NI P-BBM, TIYAK BAGO MATAPOS ANG KANYANG TERMINO SA 2028, NAKAPAG-AROUND THE WORLD NA SIYA -- Nakakalulang higit P1.4 billion travel fund ang gagastahin ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa foreign trips niya next year.

 

Ang travel fund ni P-BBM ngayong year 2023 ay P893 million at tila naliliitan dito si P-BBM kaya halos dinoble na niya ang kanyang travel fund.

 

Kung ganyan lagi kalaki ang travel fund ni P-BBM taun-taon, asahan nang bago matapos ang kanyang termino sa year 2028 ay nakapag-around the world na siya, boom!

◘◘◘

 

KUNG TOTOO ANG  DUDA NI LABOR LEADER LUKE ESPIRITU NA SI SEN. IMEE, TATAKBONG PRESIDENTE SA YEAR 2028, GOOD ‘YAN PARA SA MAMAMAYAN -- May duda si Labor Leader Luke Espiritu na hindi raw si Speaker Martin Romualdez ang tatakbo sa pagka-presidente sa 2028, kundi si Sen. Imee Marcos daw.

 

Kung totoo ang duda ni Espiritu, aba’y good iyan, mainam naman talaga na si Sen. Imee na ang maging next president ng bansa, kasi kung susuriin ang mga nakaraang statement ng senadora ay palaban ito sa mga agri-smugglers at kurakot na gov’t.

officials, at madarama rin na ang puso niya talaga ay nakatuon na maiahon sa kahirapan ang mga maralita nating mga kababayan, period!

 

◘◘◘

 

TANGGALIN ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY SA SK REFORM ACT -- Nais ni San Jose del Monte City Rep. Rida Robes na alisin na ang “anti-political dynasty” provision sa Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act of 2015 dahil ang probisyon daw na ito ay malinaw na diskriminasyon sa mga kabataan na may mga magulang na pulitiko, na gustong kumandidato, pero hindi magawang kumandidato sa SK dahil nga raw may ganitong probisyon sa SK Reform Act.


Tila yata may anak si Cong. Robes na gustong kumandidato sa SK sa Dec. 2025, kaya pinatatanggal niya ang “anti-political dynasty” provision sa SK Reform Act, boom!

 

◘◘◘

 

KAPAG PUV MODERNIZATION ITINULOY NG MARCOS ADMIN, HIGIT 600K MGA BATANG ANAK AT APO NG MGA TSUPER ANG MAGUGUTOM AT MATITIGIL SA PAG-AARAL -- Sa tantiya ng mga transport group na PISTON at MANIBELA, aabot sa higit 600K na mga batang anak at apo ng mga tsuper ng traditional jeepney at UV express ang apektado kapag inalisan na ng prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasa 73.5% na mga public transport sa January 1, 2024.

 

Ang nais ipunto ng PISTON at MANIBELA ay ang higit 600K na mga anak at apo ng mga jeepney at UV express ay maaaring makaranas ng gutom at matigil sa pag-aaral kapag itinuloy ng Marcos admin ang Public Utility Vehicle (PUV) modernization program sa pagpasok ng year 2024, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page