top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa ‘Bagong Pilipinas’ wala raw magugutom, sa totoo lang, parami nang parami ang nagugutom

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 5, 2024


SEN. IMEE MARUNONG TUMANAW NG UTANG NA LOOB KASI KUNG ‘DI NIYA NAKUMBINSE SI SARA NA MAG-VP KAY P-BBM, TIYAK SIYA ANG PRESIDENTE AT ‘DI SI BBM -- Marahil, ang isa sa dahilan kaya todo-suporta si presidential sister, Sen. Imee Marcos sa pamilya Duterte ay dahil sa pagtanaw ng utang na loob nang pumayag ang noo’y Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbong bise presidente at makipag-tandem kay Bongbong Marcos noong 2022 election.


Kinukumbinse kasi noon ni ex-P-Duterte ang kanyang anak na si Sara na pumalit sa kanya, na tumakbo itong presidente at dahil nga kay Sen. Imee kaya kumandidatong bise presidente na lang si Sara.


Sa totoo lang, kung tumakbo sa pagka-presidente si VP Sara ay tiyak talo si P-BBM kasi sa kinalabasan ng resulta ng halalang 2022, ay mas malaki ang nakuhang boto ni VP Sara kaysa kay P-BBM, period!

◘◘◘


NILINAW NI MAYOR BASTE, KAY SEN. IMEE SIYA NAG-SORRY ‘DI KAY P-BBM --Nilinaw ni Davao City Mayor Baste Duterte na kay Sen. Imee siya nag-sorry dahil nasa Davao City ang senadora nang batikusin niya si P-BBM, nang manawagan siyang dapat nang mag-resign ang Presidente, na ang ibig sabihin ng alkalde ng Davao City ay pinaninindigan niya ang mga atake niya laban kay P-BBM. 


Ganyan talaga katapang ang mga Duterte, kapag sinabi na hindi na binabawi ang sinabi, pinaninindigan ang sinabi, boom!

◘◘◘


SA ‘BAGONG PILIPINAS’ NG MARCOS ADMIN PARAMI NANG PARAMI ANG MGA NAGUGUTOM -- Nitong February 3, 2023 ay ibinida ni P-BBM na sa ilalim daw ng “Bagong Pilipinas” ay wala nang Pilipinong magugutom.


Isang uri na naman ng pang-uunggoy sa Pinoy ang sinabing ito ni P-BBM, kasi ang “Bagong Pilipinas” ay ni-launch ng Marcos administration noong July 16, 2023 sa pamamagitan ng Executive Order ng Presidente, pero noong September 2023, base sa resulta ng survey ng SWS ay 9.8% o 2.7 milyong pamilyang Pinoy ang nagsabing sila ay nakakaranas ng pagkagutom at sa latest survey uli ng SWS nitong January 2024 ay nadagdagan pa ang mga nagugutom, pumalo na ito sa 12.6% o katumbas ng halos 3 milyong pamilyang Pinoy ang nagsabing sila ay nakakaranas ng pagkagutom.


‘Yan ba ang walang magugutom sa “Bagong Pilipinas”? Eh sa totoo lang, parami nang parami ang nagugutom na Pinoy sa ilalim ng Marcos admin, tsk!


◘◘◘


SUNTOK SA BUWAN ANG IBINIDA NI P-BBM NA WALANG MAGUGUTOM SA ‘BAGONG PILIPINAS’ -- Suntok sa buwan talaga ang ibinida ni P-BBM na sa ilalim ng “Bagong Pilipinas” ay wala na raw magugutom na Pinoy.


Kumbaga, parang campaign promise din lang ‘yan ni P-BBM na kapag naging presidente siya ay magiging P20 na per kilo ng bigas, na hanggang ngayon ay hindi natupad, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page