Sa Enero 2023 — DOH... 5K kaso ng COVID kada araw
ni Madel Moratillo | December 24, 2022

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibilidad na umabot sa 4,114 ang araw ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng Enero ng 2023.
Ayon sa DOH, ito ay dahil sa mataas na bilang ng lumalabas dahil sa holiday season.
Maaari rin umanong umabot sa 2,252 ang kaso ng severe at kritikal sa bansa. Hanggang noong December 18, nasa 592 lamang ang kabuuang kaso ng severe at kritikal dahil sa COVID sa Pilipinas.
Payo ng DOH sa mga lokal na pamahalaan, palakasin pa ang vaccination efforts lalo sa booster dose.
Samantala, sinabi ng DOH na may 4 na kaso ng BF.7 Omicron subvariant na ang naitala sa bansa. Ang BF.7 ang sinasabing dahilan ng nangyayaring COVID surge sa China ngayon.
Sa kabila naman ng pagdami ng mga variant at subvariant ng COVID na nakakapasok sa bansa, iginiit ng DOH na hindi lang naman ito ang dahilan ng pagdami ng mga kaso ng virus infection sa Pilipinas.





Comments