top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa dami raw ng nangyayari, serye nila ni Jodi, tuloy… HIRIT NI IZA: PINILI KAMI NG DIYOS!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 10, 2020




Ikalawang buhay na ni Iza Calzado ngayon dahil nakaligtas siya sa Covid-19 at ipinagpapasalamat niya ito nang ilang beses sa Panginoong Diyos, kaya halos naluluha siya sa pagharap niya sa virtual mediacon ng bagong teleserye nilang Ang Sa Iyo Ay Akin na mapapanood na sa Agosto 17 sa Kapamilya Online Live, YouTube at iba pang platforms ng Kapamilya Channel.


Ayon kay Iza, "Sa totoo lang, napaka-grateful ko. The fact na nag-uusap tayo ngayon, the fact na nandito pa ako ngayon is something I am grateful for everyday apart from this show actually being given a green light. Parang ang daming pinagdaanan ng show, ang dami nating pinagdaanan, lahat ng Filipino.


“Personally, medyo mahirap-hirap din 'yung pinagdaanan ko earlier this year na para bang 'pag iniisip talaga naming lahat, parang nu’ng pinag-usapan naming lahat sa town hall meeting namin sa show within the cast na parang we have been chosen by God to do this, parang ganu’n, eh.


“Ganu’n 'yung pakiramdam. Parang kami 'yung una ngayon sa ganitong bagong platform natin, so I’m beyond grateful,” ani Iza tungkol sa nalalapit na pag-ere ng kanilang serye.


“Parang we went through so many challenges kaya siguro talagang ramdam na ramdam namin 'yung magandang feedback. And we are very excited na lahat ng pinaghirapan namin ay mapapanood n'yo na.


“So, siguro, 'yun 'yung pakiramdam ko ngayon. Despite the challenges, tuloy ang laban.’’


Hindi naman ikinaila ng aktres na alanganin siyang bumalik sa taping dahil nga sa pandemya na ayon din sa mga doktor ay posibleng tamaan ulit ang isang Covid-19 survivor.


“Bilang COVID survivor, hindi ko sinasabi na I’m walking around fearlessly. Siyempre, meron ako at that time when we went into the lock-in, I knew I still had antibodies.


“So, kung ako, parang inisip ko, 'Tapos na ako d'yan,' pero hindi ako nagpakasiguro dahil hindi natin alam hanggang kailan ang antibodies. Like marami pa tayong hindi alam sa sakit na ito, ‘di ba?


“Of course, there was some fear, there were concerns na 'Magiging safe ba tayo?' But ABS-CBN prepared very strict guidelines that we kept on trying to meet. Production was making sure na nasusunod.


“In-allow ng Diyos, so kasama sa pag-allow niya na kami ay ma-green light at umarangkada, at 'yung protection at safety. Araw-araw na lang tuloy ang aming dasal at pag-iingat,”

paliwanag ni Iza.


Anyway, inawitan si Iza ng happy birthday dahil kaarawan niya sa Agosto 12, limang araw bago ipalabas ang ASIAA at 38 taong gulang na siya.


Naluha ang aktres dahil hindi niya expected.


“Oh, my God, thank you! Shocks, sorry, I was completely caught off-guard. Sorry, I don’t want to hijack this presscon, this is not about me. But then, this is probably the most meaningful birthday in my life. So, thank you for being the first to sing ‘Happy Birthday’ to me. I’m really grateful to be alive,” pahayag ni Iza.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page