top of page

Sa biglaang pagpanaw ng mahal sa buhay..

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 16, 2020
  • 4 min read

para tuloy ang unawaan sa pamilya kung walang last will and testament

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 16, 2020




Ang will ay isang legal na dokumento na ipinaliliwanag kung paanong ang indibidwal ay maihahati-hati ang mga ari-arian at iba pang assets para sa mga anak sa panahon ng biglaang pagkamatay ng ama.


Ang taong namatay na walang will ay tinatawag na ‘interstate,’ ibig sabihin ay wala siyang anumang hangarin o guidelines hinggil sa mga ari-arian niya na maibahagi. May iba’t ibang procedures para sa distribusyon ng assets at pagbubuwis. Sa maraming kaso, ang pamilya at korte ay kukuha ng administrator para ma-liquidate ang assets, mabayaran ang mga bill at maibahagi ang mga ari-arian sa mga naiwang kapamilya.


1. BUMUO NG GROUP DECISIONS. Kung walang kasulatan ng pamana, ang buong pamilya at maging iyong close sa yumao ay kailangan nang gumawa ng pasya hinggil sa burol o paglilibing. Mag-usap-usap hinggil sa funeral at burial possibilities. Ang buong pamilya ang dapat na mag-usap para sa pagsusulat ng obituary at mailagay sa diyaryo. Kung ang yumao ay isang beterano, ang pamilya ay dapat kumontak sa local veterans administration para malaman ang tungkol sa burial options ng yumao. Hingin ang pakiusap ng buong pamilya at pagbotohan kung ano ang naaayon. Oras na ang funeral at burial arrangements ay kumpleto na, pag-usapan na rin ng mga pamilya ang tungkol sa mga mamanahin. Dito na nila kailangang magpatawag ng abogado.


2. MAGTIPON NG FINANCIAL STATEMENT AT LEGAL NA DOKUMENTO. Ang mga miyembro ng pamilya ay dapat na magtulungan na ipunin ang lahat ng financial statements, legal documents at benefiary information na available. Dapat nilang rebisahin ang mga dokumento para makita kung ang beneficiaries ay ipinangalan sa isang insurance policy retirement plans. Gumawa ng listahan ng lahat ng beneficiaries, ayon sa available information kabilang na ang account numbers at credit cards. Ang listahan ang magbibigay sa abogado ng tamang ideya sa halaga ng ari-arian at pormal na imbentaryo na makumpleto sa hinaharap.


3. KUMUHA NG SERBISYO NG PROBATE ATTORNEY. Oras na ang buong pamilya ay nakatipon na ng impormasyon, ang piniling kinatawan ay dapat mag-ipon agad ng legal procedures at proceedings. Ipapayo ng abogado na hawakan ang court filings at mga dokumentong kailangan para magpetisyon sa korte para sa administrasyon ng ari-arian.


4. TRABAHO NG ADMINISTRADOR. Ang mga itinalagang administrator ay kailangang sumunod sa procedures ng probate court sa tulong ng estate attorney. Ang court ang mag-aatas sa administrator para makilala at madetermina ang market value ng ari-ariang pinansiyal at iba pang property na pag-aari ng yumao.


Oras na makumpleto ang inventory ng probate assets ay ipina-file ito sa korte. Ang mga probate assets ay mga alahas, art objects, lupain, mga mamahaling koleksiyon, antigo at iba pang kagamitan. Ang sertipikadong tao ay dapat makumpleto ang appraisals at maisumite ang resulta sa probate court. Ang mga non-probate items ay ang mga bahay, kotse at bank accounts na kung may kahati siya rito ay may karapatan siyang ibahagi sa ibang tao.


Kasama rin sa non-probate assets ay ang mga bagay na may pangalan ng beneficiary tulad ng IRS, retirement plans at insurance policies. Maaring marami sa naiwang assets ng yumao ay non-probate assets. Iisa-isahin ng administrator ang report ng non-probate assets para sa buwis.


Oras na ang imbentaryo ay makukumpleto dapat nang ipunin ng administrador ang lahat ng assets. Maaaring gamitin ang assets para mabayaran ang creditors at iba pang bayarin kung saan responsable rito ang yumao. Sa oras ng proseso ng paghahati ng mana, dapat gamitin ng administrator ang mga asset para mabayaran ang iba pang properties, buwis, mga gastos sa ospital at punerarya at administration expertise kabilang na ang attorney o ang appraises fees, probate court costs at bond premiums.


Kung ang creditor ay nag-file ng pag-angkin sa ari-arian, ang abogado ay puwedeng payuhan ang administrator sa procedure na kailangang masunod. Sa ilalim ng direksiyon ng court at payo ng estate attorney, ang administrator ang magli-liquidate ng mga asset kung kailangan at ibahagi ang mga kakayahan ayon sa estado ng ari-arian.


5. PANATILIHIN ANG PAG-UUSAP. At dahil ang mga mamanahin ay nagiging dahilan ng argumento at paghahati sa kalooban ng pamilya, napakahalaga para sa administrador na manatili ang bukas na linya ng komunikasyon sa lahat ng partido na sangkot. Ang paglalaan ng impormasyon, record at paliwanag ng mga kinakailangang proseso sa mga magmamana ay krusyal sa paghahati ng mga pamamanahan. Habang ang lahat ay may sapat na kaalaman sa impormasyon at least maiiwasan ang pagdating ng anumang problema nang hindi pagkakaunaawan.


MAY TUNGKULIN ANG PANGANAY NA LALAKI. Ang magampanan ang papel ng isang yumaong ama ay napakahirap na tanggapin para sa naiwang pamilya, kapwa apektado ang damdamin at sa praktikal na rason ay kailangan mong balikatin ang responsibilidad na iyong ama at mga kapatid bilang panganay na anak na lalaki.

Bagamat walang madaling desisyon sa problemang ito, heto ang ilang tips para matulungan ka at ang buong pamilya sa mabigat na panahong iyan.


  1. Dapat may hanapbuhay ka. Ang pinansiyal na tulong sa pamilya ay isang mainam na paraan para maiestablisa ang sarili bilang responsableng panganay na anak at kapatid.

  2. Mag-alok na alagaan ang nakababatang kapatid kung hindi na kaya ng ina. Seryoso mong pakinggan ang kapatid. Tulungan silang lumutas ng problema at magkarooon ng tunay na interes sa pagtulong sa kanila habang lumalaki sila.

  3. Kumuha ng life insurance policy at gawin mong benepisyaryo ang iyong nanay at mga kapatid. Kahit na bata ka pa, ngayon mo na dapat ipakita at isipin na responsable ka para sa kapakanan ng pamilya.

  4. Tulungan ang ina sa paggawa ng desisyon sa pamilya. Pagpaplano ng bakasyon, pagbili ng mga kagamitan at pagpili ng mga alagang hayop maging ang iba pang mga mahahalagang bagay na dating naitutulong noon ng ama. Huwag nang mag-atubiling gampanan na rin ang lahat ng mga gawaing naiwan niya.

  5. Gumawa ng mga mahihirap na gawain sa bahay na unang ginagawa noon ng yumaong tatay. Maging ito man ay paghahalaman, paglilinis ng bakuran o pag-aayos ng mga tubo sa kusina at kuryente, mahalaga sa iyo na ikaw na ang gumanap ng mga trabahong naiwan ng ama.

  6. Magkaroon ng oras na makausap ang pamilya hinggil sa pagkawala ng ama. Ang pagbabahagi mo ng iyong damdamin hinggil sa sitwasyon ang nagpapalakas sa samahan ninyong mag-ina at magkakapatid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page