top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ryza Cenon, nanganak na

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2020
1 min read

ni Lolet Abania | November 1, 2020




Nanganak na si Ryza Cenon sa first baby niya sa partner na si Miguel Antonio Cruz kahapon, October 31.


Sa IG post ng actress ngayong Linggo, ipinakita niya ang black and white photo ng kamay ng kanyang little love na nakahawak sa daliri niya.


"Welcome Baby Night!!!" sabi ni Ryza. "Napakahirap pero lahat worth it!"


Sa IG account naman ni Miguel, nai-post nito ang isang larawan na kuha ni Mommy Ryza.


"Our little bundle of joy is finally here," nakalagay na caption ni Miguel na black and white rin ang picture habang karga ang kanyang newborn baby.


Hindi naman binanggit ni Ryza ang kasarian ng kanyang anak.


Matatandaang noong July, nagulat ang lahat sa inanunsiyo ni Ryza na siya ay buntis at malapit nang manganak.


Ayon sa PEP.ph, nagkakilala sina Ryza at Miguel noong June 2019 at inilihim ang kanilang relasyon dahil sa napaka-private person daw ni Miguel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page