Russian opposition leader Alexei Navalny, “nilason”
- BULGAR

- Aug 20, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 20, 2020

Nasa intensive care ng ospital at unconscious si Russian opposition leader Alexei Navalny matapos umano ‘malason’, ayon sa kanyang spokesperson.
Ayon kay Kira Yarmysh, lilipad sana si Navalny mula Siberia papuntang Moscow, subalit ang eroplanong kanyang sinasakyan ay nag-emergency landing matapos na makaramdam ito ng matinding sakit sa katawan.
"Alexei has toxic poisoning," mula sa ulat ni Yarmysh sa Twitter. "Alexei is now in intensive care."
Gayundin, sabi ni Yarmysh, "We think that Alexei was poisoned with something mixed in his tea. That was the only thing he drank in the morning."
"Doctors say the poison was quickly absorbed through the hot liquid," dagdag pa ni Yarmysh.
Ipinasok si Navalny sa intensive care unit para sa toxicology patients, sa Omsk Emergency Hospital No. 1, ayon sa kumpirmasyon ng TASS state news agency.
Samantala, naging tanyag ang 44-anyos, na si Navalny dahil sa kanyang anti-corruption campaigns laban sa mga top officials at ang walang humpay niyang kritisismo kay President Vladimir Putin, kung saan dumanas siya ng pisikal na pag-atake sa nakalipas na panahon.
Nagtamo si Navalny ng chemical burns o pagkasunog ng kanyang mata noong 2017, matapos na mambato ang mga attackers ng green dye na ginagamit na disinfectant sa kanyang mukha, sa labas mismo ng opisina niya.





Comments