Search
  • BULGAR

Roxanne Allison Baeyens, kinoronahan bilang Miss Philippines Earth 2020

ni Thea Janica Teh | July 5, 2020




Sa kauna-unahang pagkakataon, via online, itinanghal na Miss Philippines Earth ang pambato ng Baguio City na si Roxanne Allison Baeyens.


Ito ang first-ever pageat na ginawa online at pinagpatuloy pa rin sa kabila ng pagsasailalim sa community quarantine ng bansa dahil sa COVID-19. Ang tema ng pageant ngayong taon ay “Eco-Angels”.


Itinanghal naman na Miss Philippines Air si Patrixia Santos ng Daraga City; Miss Philippines Fire Shane Tormes ng Antimonan Quezon; Miss Philippines Water Gianna Llanes ng Mandaluyong City at Miss Philippines Eco-Tourism Illysa Mendoza ng Fil-Melbourne, Australia.


Nakatanggap din ng Special awards si Lyka Chamberlaigneh Legasca ng Lallo Cagayan bilang Eco-Angel award; Roxanne Allison Baeyens ng Baguio City bilang Darling of the Press at Eco-Video award at Shane Tormes ng Antimonan Quezon bilang Hannah Shampoo award.


Si Roxanne Allison Baeyens ang magiging pambato ng Pilipinas sa Miss Earth pageant.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.