top of page

Rongvisai, Chocolatito at Estrada, hahamunin din ni Ancajas

  • BULGAR
  • Mar 25, 2021
  • 2 min read

ni Gerard Peter - @Sports | March 25, 2021



ree

Tila walang masamang tinapay sa pagitan ni International Boxing Federation super-flyweight champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas at ng pamunuan ng Top Rank Promotions sa naging desisyong paglipat ng kampeon sa panig ng Premier Boxing Champions (PBC) na umaasang mas uusad ang boxing career na pansamantalang nabinbin ng halos isang taon.


Inamin ni MP Promotions President at international matchmaker Sean Gibbons na naging maayos ang paghihiwalay ng landas ng 29-anyos mula Panabo, Davao del Norte at ng dating promotional outfit na pinamumunuan ni Bob Arum.


So basically, there was no issues with Top Rank. The issue is with the visa, the dates the pandemics, like a lot of people had, that was really the deal,” pahayag ni Gibbons sa ginanap na virtual presser nitong Lunes. “So, it took us 7 months to get the visa and arrive here on October, by that time the Top Ranks didn’t really have dates to put it on, they kind a lost interest in things and we have opportunity to join out with Al Haymon and PBC who is very good to all Filipino fighters. We’re still good with Top Rank, we’re still good with Bob Arum, but this opportunity came up and open up things a little too,” paliwanag ni Gibbons, kung saan nakatakda na ngang idepensa ni Ancajas (32-1-2, 22KOs) sa ika-9th title defense kay No.3 contender Jonathan Javier “Titan” Rodriguez ng Mexico bilang undercard match sa Abril 10 na telecast ng Showtime boxing sa Mohegun Sun Arena sa Uncasville, Connecticut sa Estados Unidos.


Tinukoy ni Gibbons na sakaling maging matagumpay sa pagdedepensa si Ancajas sa kanyang titulo kay Rodriguez ay may posibilidad na makakuha ito ng mas mabibigat na kalaban sa bigating junior bantamweight stars na kinabibilangan nina dating WBC at Ring champion Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand, dating WBA titlist Roman "Chocolatito" Gonzalez ng Nicaragua at unified WBC/WBA/The Ring title holder Juan Francisco Estrada ng Mexico.


Inamin ni Gibbons na malaki ang tiwala niya na malalampasan ni Ancajas si Rodriguez upang maitulak ang laban kay Rongvisai.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page