Road closure sa BGC, simula Dis. 29-Enero 1 – Taguig gov’t
- BULGAR
- Dec 28, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | December 28, 2022

Inanunsiyo ng lokal na gobyerno ng Taguig City ang temporary road closure sa Bonifacio Global City (BGC) para magbigay daan sa gaganapin nilang New Year’s Eve festivities.
Sa isang advisory ngayong Miyerkules, ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig, ang 5th Ave sa BGC ay isasara simula Disyembre 29, 2022 hanggang Enero 1, 2023.
“In preparation for the New Year’s Eve Countdown in BGC, 5th Ave will be temporarily closed from 12MN of December 29, 2022 (Thursday) until 4PM of January 1, 2023 (Sunday),” pahayag ng city government.
Pinapayuhan ang mga motorista na humanap muna ng mga alternatibong ruta sa 3rd Ave at 9th Ave upang maiwasan ang abala sa kanilang mga biyahe.








Comments