Riot Games Southeast Asia sanib-puwersa sa PHL E-Sports
- BULGAR

- Jul 16, 2020
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | July 16, 2020

Makikipagsanib-puwersa ang Youth Esports Program (YEP) sa isa sa pinakamalaking game developer at publisher sa pandaigdigan na Riot Games Southeast Asia upang mas mapalakas pa ang pagpapaunlad ng grassroots nito.
Magkakaroon ng pagkakataon ang mga miyembro at estudyante ng YEP na makadalo sa mga workshops at career talks ng kanilang mga speakers, kabilang ang paglahok sa mga aktibidades na inorganisa ng naturang publisher, kasama rin ang iba pang mga suportang matatanggap para sa pagpapalawig ng kaalaman ng mga estudyante. Ilan sa mga inaasahang benepisyo nito ay ang pagsali ng mga miyembro sa lingguhang torneo para sa mga YEP chapters at marami pang iba.
“The Philippines has always been one of our most important markets and we have been consistently blown away by the passion and talent discovered within the community here,” wika ni Chris Tran, pinuno ng Esports for Riot Games Southeast Asia, Taiwan, Hong Kong at Macau sa ABS-CBN News. “We are excited to partner with the Youth Esports Program and to support their efforts in nurturing the next generation of esports and game industry professionals,” dagdag nito.
Ang pagsasama ng dalawang grupo ay senyales na mapapabilang ang VALORANT bilang opisyal na torneo ng YEP sa mga darating na national cross-campus esports league.
Ang YEP ay ang kolaborasyon sa pagitan ng Mineski Philippines at ng Philippine Collegiate Champions League, na naglalayong bumuo ng mga esports talent sa hinaharap sa bansa bilang mga regular na estudyante.
Ninanais ng binuong samahan na palawigin pa ang pagpapalawig ng organisasyon ng esports sa mga eskwelahan sa buong bansa bilang mga akreditadong YEP chapters at suportahan ang mga inisyatibong magkaroon ng magandang oportunidad, suporta sa mga palaro, pagsasanay at marami pang iba.
Matatandaang itinutulak na ang pagkakaroon ng kurso ng online gaming sa bansa, dahil bukod sa kinahihiligan ito ng kabataan, ay maaari na ring maging daan ito tungo sa kanilang kinabukasan. Kasunod ito ng pagsasama ng Lyceum of the Philippine University at esports at gaming agency na Tier One Entertainment para maglunsad ng isang currculum na mayroong four-year degree sa Bachelor of Science in Esports, sakaling maaprobahan na ito sa susunod na pasukan ng Commission on Higher Education (CHED).





Comments