Righteous Ruby, wagi sa SLLP Memorial Cup
- BULGAR

- Nov 17, 2020
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 17, 2020
Nagkampeon sa 2020 Philracom Ambassador Eduardo M. Cojuangco, Jr., Memorial Cup ang Righteous Ruby na ginanap sa San Lazaro Leisure Park(SLLP) sa Carmona,Cavite nitong Linggo ng hapon.
Sa simula ng karera agad kinuha ng Viva Morena hanang nakasunod ang Chance the Racer na sinundan ng National Pride, Stella Malone at pang-anim na puwesto ang Righteous Ruby.
Pagsapit sa gitna ng karera kinuha ng Chance the Racer ang pangunguna sa Viva Morena habang kasunod ang Righteous Ruby. Ilang saglit lang ang nakalilipas kinuha na ng Righteous Ruby ang pangunguna habang nakabuntot ang Chance the Racer at unti-unti nagpapalakas ang Pangalusian Island.
Tuluyan nang lumayo ang Righteous Ruby pagsapit sa huling likuan kasunod ang Chance the Racer at Pangalusian Island hanggang sapitin ang finishline.
Nag-uwi ng P1.8 milyon ang Righteous Ruby,habang P675,000 ang 2nd place, tumanggap ng P375,000 ang 3rd place at P150,000 ang 4th place na Gomper Girl.
Nanalo ang Stardust matapos na tanghaling kampeon sa 1,000 meters na karera. Ang Stardust ay naorasan sa bilis na 0.59 segundo na natapos ng bandera.
Itinanghal naman na kampeon ang Calbayog sa 25th Marho Breeders 3 Year Old Colt and Filly Mile makaraang abutan ang nauunang si Radio Gaga na dumating ng pangatlong puwesto matapos dumating na pangalawa ang Tifosi mula sa pangungulelat.




Comments