Rider patay, 2 angkas sugatan sa semplang
@Balitang Probinsiya | October 25, 2022
AKLAN—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang dalawang angkas nito nang aksidenteng sumemplang ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Mabilo, Kalibo.
Ang nasawi ay si Rene Espinosa, 31-anyos, at sugatan naman ang menor-de-edad na kanyang anak at isang pamangkin na angkas sa kanyang motorsiklo.
Batay sa imbestigasyon, pauwi na sa kanilang tahanan sa nasabing barangay ang tatlong biktima nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Espinosa, kaya sumemplang ang motorsiklo.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara dead-on-arrival si Espinosa.





Comments