Ricardo Cepeda, nakalaya na
- Lucille Galon
- Sep 19, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @Entertainment | September 19, 2024

Photo : Ricardo Cepeda | Facebook
Laya na ang aktor na si Ricardo Cepeda mula sa halos isang taong pagkakapiit nito, iyan ang masayang ibinalita ng aktres na si Nadia Montenegro sa kanyang Instagram post.
Matagumpay na nakapagpiyansa ang aktor matapos na payagan ng Branch 12, Sanchez Mira Regional Trial Court, Cagayan na siya ay mag-bail, at naibasura na rin ang nakabinbing kaso ni Ricardo ng estafa sa Branch 6 ng Aparri Regional Trial Court nu'ng nakaraang buwan.
Matatandaang nakulong ang aktor sa Camp Karingal, Quezon City, nu'ng Oktubre 7, 2023 matapos na madawit ang pangalan sa syndicated estafa ng mga investors ng isang kumpanya kung saan siya dating brand ambassador.
Bumuhos naman ang suporta ng mga netizens para sa aktor. May iba pang humirit na sana ay maipasok siya ni Coco Martin sa hit series nitong 'Batang Quiapo' at mabigyan ng pagkakataong muling makapag-umpisa.




Comments