top of page

Repair ng C5 Ortigas at Pasig Blvd. flyovers, start na sa Enero 21 – DPWH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 19, 2023
  • 1 min read

ni Lolet Abania | January 19, 2023



Nakatakdang magsimula ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng kanilang pagre-repair sa southbound inner lane ng C5 Ortigas Flyover at C5 Pasig Boulevard Flyover sa Sabado, Enero 21.


Ayon sa DPWH sa isang statement, magsasagawa ang kanilang Metro Manila 1st District Engineering Office (MM1st DEO) ng pagsasaayos o reparation ng bridge expansion joint ng inner lane hanggang Pebrero 21.


Sa naturang proyekto, papalitan ang mga lumang bridge expansion joints para magbigay dito ng mas tatag at tibay sa integridad ng istruktura ng mga tulay.


Ginawa ito matapos ang pagkumpleto ng chipping works sa 3.5-meter first lane ng southbound portions ng parehong flyovers mula Disyembre 2, 2022 hanggang Enero 15, 2023. Kabilang dito ang installation ng bagong bridge expansion joints sa natukoy na spans, kung saan madaraanan na ngayon ng lahat ng uri ng mga sasakyan.


Ayon kay MM1st District Engineer Medel Chua, parehong repair works ang gagawin sa 4-meter inner lane ng dalawang flyovers para makumpleto ang rehabilitation project.


Paalala naman ng DPWH na mas matinding traffic ang posibleng maranasan habang patuloy ang repair activities at curing period.


Payo sa mga motorista na may malalaking behikulo na gumamit ng mga service roads bilang alternatibong ruta sa panahon ng konstruksyon nito na nakaiskedyul mula 10PM hanggang 5AM.


Ayon pa sa DPWH, ang 3.5 meters lamang ang passable sa outer lane.

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page