top of page

Registration ng Duterte Youth Partylist, kinansela ng Comelec

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19
  • 1 min read

ni Madel Moratillo @News | May 13, 2025



Photo File: Duterte Youth at George Garcia - FB / Comelec



Kinansela ng 2nd Division ng Commission on Elections (Comelec) ang registration ng Duterte Youth Partylist.


Sa 25 pahinang desisyon, pinagbigyan nito ang petisyon noon pang 2019 na naglalayong mapawalang bisa ang registration ng Duterte Youth.


Ito ay matapos umanong 'di makasunod ang grupo sa jurisdictional requirements patungkol sa publication at hearing kaugnay ng partylist registration.


“Duterte Youth cannot merely hide under the convenient excuse that the Commission had not required it to publish its Petition for registration or that the Commission has not set a hearing, as it reflects poorly on the party's commitment to transparency and accountability,” bahagi ng nakasaad sa resolusyon ng Comelec.


Isa rin sa pinagbatayan ng kanselasyon ang pagkakaroon nito ng overage nominee noong 2019. 2-1 ang resulta ng botohan sa dibisyon.


Sabi naman ni Comelec Chairman George Garcia, hindi pa pinal ang desisyon na ito at puwede pang iapela sa Commission en banc.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page