top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Regalong libro, pahiwatig na ikakasal sa dyowa

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 5, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Albay.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nagbigay sa akin ng libro, tapos binasa ko agad ito. Nagustuhan ko ‘yung libro dahil puro love story ang nilalaman nito, tapos nilagay ko na ‘yung libro sa aking shelf. Dumungaw naman ako sa bintana, tapos nakakita ako ng mga ibon na lumilipad at ang gaganda ng mga ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Robert



Sa iyo, Robert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagbabasa ka ng libro ay magiging sikat ka sa inyong lugar dahil pararangalan at kikilalanin ka dahil sa iyong achievements. Ang sabi mo ay bigay sa iyo ng kaibigan mo ang naturang libro, ito ay nagpapahiwatig na mauuwi sa kasalan ang relasyon mo sa kasalukuyan mong minamahal.


Ang nilagay mo sa bookshelf ‘yung libro matapos itong basahin ay nangangahulugan ng kaligayahan sa darating na kasalang magaganap sa buhay mo. Masaya at masagana ang iyong magiging buhay may-asawa at pagpapalain kayo ng magiging partner mo.


Samantala, ang mga ibon na nakita mo nang dumungaw ka sa bintana ay nangangahulugan ng malaking pagbabago sa buhay. Gayunman, maganda ang magiging resulta nito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page