Red tape sa gobyerno, stop!
- BULGAR
- Aug 12, 2022
- 1 min read
@Editorial | August 12, 2022
Mahabang pila, komplikadong requirements at matagal na paghihintay ang ilan sa mga reklamo 'pag may transaksyon sa gobyerno.
Gayunman, may mga naniniwala pa rin na may paraan para mapabilis at mapadali ang pagbibigay-serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan.
Kaya muling isinusulong ang E-Government Act sa pamamagitan ng Senate Bill No. 334.
Kapag naging ganap na batas ang panukala, matutuldukan na ang mahabang pila at matagal na paghihintay ng mamamayan para maserbisyuhan.
Tayo ay nasa 'new normal' na at dahil din sa pandemya, mas nakita natin ang mga problema at posibleng solusyon.
Napakahalagang mabilis ang pagtugon sa mga pangangailangan ng taumbayan.
Kung sakaling maipasa ang panukala, ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ang babalangkas ng isang e-government master plan para sa paglulunsad ng mga online na serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno.
Bahagi ng master plan ang archive at records management system, online payment system, citizen frontline delivery services, at public finance management at procurement system.
Pinaniniwalaang hindi lang magiging mabilis ang mga transaksyon, makakaiwas din sa korapsyon.
Sana, mapag-aralan itong mabuti, kung may mga kailangang idagdag o baguhin, basta sa kapakanan ng bawat mamamayan at ng bayan, aprub na 'yan.


Comments