Rapper na si Hev Abi, kulong sa baril at droga
- BULGAR

- 6 days ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | April 17, 2026

Inaresto ang Pinoy rapper na si Hev Abi na may tunay na pangalang Gabriel Abillo, kasama ang anim na iba pa sa apartment unit sa Brgy. Laging Handa, Quezon City.
Ayon kay CIDG-NCR Chief PCol. John Guiagui, nagpatupad ng search warrant ang mga operatiba laban kay Hev Abi para sa ilegal umanong pagmamay-ari nito ng baril pero nakuhanan din siya ng mga awtoridad ng samu't saring ilegal na droga.
Positibo umano sa marijuana at shabu ang rapper, habang sa marijuana naman nag-positive ang anim niyang kasama.
Samantala, naglabas ng pahayag ang Urban Department PH, ang music label ni Hev Abi.
“On behalf of Hev Abi, we categorically deny any and all allegations pertaining to this misunderstanding that lead to his situation last April 14, 2026,” saad ng Urban Department PH sa kanilang post.
“Our legal counsel is working with the designated authorities in finding a solution,” dagdag pa nila.




Comments