Ramon Ang, ‘di papasok sa pulitika
- BULGAR
- 20 hours ago
- 1 min read
by Info @Business News | November 20, 2025

Photo File: Ramon S. Ang / FB
‘I AM NOT ENTERING POLITICS’
Pinabulaanan ng Chairman at CEO ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang, ang mga espekulasyon na pinaplano umano nitong pasukin ang pulitika.
Kasunod ito ng mga haka-hakang itatalaga umano si Ang bilang “caretaker” ng gobyerno sakaling magkaroon umano ng “government reset” na pangungunahan ng militar.
“I have been getting many messages today, and I also saw the story that has been circulating. Let me put things to rest: I am not entering politics,” ani Ang sa kanyang Facebook post.
Binigyang-diin nito ang kanyang pangako sa pagsuporta sa national development bilang isang "dependable partner" sa halip na pasukin ang mundo ng pulitika.




