top of page

Ramadan, sinimulan na ng mga kababayang Muslims sa mosque

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 3, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | April 3, 2022



Sinimulan na ng mga Filipino Muslims sa buong bansa ang kanilang isang buwang Ramadan sa pamamagitan ng mga pananalangin sa mga mosques ngayong Linggo.


Sa Golden Mosque sa Quiapo, Manila, dumating ang mga kababayan nating Muslims at inumpisahan ang kanilang panalangin pasado alas-4:00 ng madaling-araw, ayon sa isang report.


Labis ang kasiyahan at pananabik ng mga Muslims dahil sa nakadalo at nakapunta na muli sila sa Golden Mosque para sa Ramadan ngayong Linggo, kung saan hindi nila ito nagawa noong 2020 at 2021 sanhi ng pandemya ng COVID-19.


Sa Laoag City, ang mga kababayang Muslims doon ay nanalangin naman para sa mapayapang 2022 elections at matapos na ang COVID-19 pandemic, batay din sa report.


Ang Ramadan, na tinatawag na ninth and holiest month na nakasaad sa Islamic calendar, ay panawagan para sa pananalangin at pag-aayuno o prayers and fasting.


Gayundin, isa ito sa five pillars ng Islamic faith. Ang iba pang pillars ay profession of faith, five daily prayers, giving of alms at pilgrimage to Mecca.


Habang ang Eid’l Fitr ay tinatawag naman na end of Ramadan, na tanda ng pagdiriwang at selebrasyon o feasting and celebration ng mga kababayang Muslims.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page