top of page

Rally laban sa korupsiyon, gawing ligtas at mapayapa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 13, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | September 12, 2025



Editorial


Kasunod ng mga nabulgar na anomalya sa flood control projects kung saan pinaniniwalaang sindikato na ang nasa likod nito, mas lalong tumindi ang galit ng taumbayan.


Dumarami ang nananawagang makialam at umaksyon. 


Ang kilos-protesta laban sa korupsiyon ay lehitimo, makatarungan, at kinakailangan.

Ngunit ito’y dapat isagawa sa paraang ligtas, mapayapa, at may malinaw na layunin.Hindi dapat maging dahilan ang protesta para sa karahasan o kaguluhan. 


Mas epektibo ang mensahe kung may disiplina ang pagkilos, may koordinasyon sa awtoridad, at malinaw ang panawagan:


Panagutin ang mga korup. Ilabas ang katotohanan. Itigil ang pandarambong at ibalik ang lahat ng ibinulsa.Sa kabilang banda, ang mga nasa posisyon ay hindi dapat magbingi-bingihan. Ang galit ng taumbayan ay hindi basta emosyon — ito ay pagkadismaya, gutom, at takot. 


Kung walang gagawin ang kinauukulan, posibleng mangyari ang mas malawak at mas malakas na pagkilos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page