Search
  • BULGAR

Quo Warranto ni SolGen Calida vs. ABS-CBN, ibinasura ng SC

ni BRT | June 23, 2020




Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN Corporation


Ayon kay SC Spokesperson Brian Keith Hosaka, napagdesisyunan ng mga mahistrado na ibasura ang petisyon dahil sa pagiging ‘moot and academic’, dahil napaso na ang prangkisa ng ABS-CBN noong Mayo 4.


Nag-isyu na rin ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order laban sa network noong Mayo 5.


Matatandaang, inakusahan ni Calida ang ABS-CBN sa quo warranto case nito ng “highly

abusive practices” sa operasyon nito na pay-per-view channel sa ABS-CBN TV Plus na

sinasabing wala umanong pagpayag mula sa NTC.


Samantala, nananatiling nakabinbin sa korte ang kaso laban sa ABS-CBN Convergence.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.