QR ticketing system sa LRT, posible sa unang quarter ng 2022

ni Jasmin Joy Evangelista | November 13, 2021

Target ng Light Rail Manila Corporation ang pagpapatupad ng QR Code ticketing system sa unang quarter ng 2022.
Anila, uunahin ang pagpapatupad nito sa LRT-1.
Ayon sa panukala ng LRMC, puwede itong alternatibo sa single journey tickets na mabibili sa pamamagitan ng mobile app.
Nasa demo stage na ang proyekto at hinihintay na lang na maaprubahan ng Department of Transportation.
"We want to open po more options sa ating mga pasahero kasi ngayon dumarami na rin ang mga pasahero. We're allowed to operate more and to welcome more passengers we see na siyempre 'yung mga tao po mas gusto nila na mas kaunti 'yung pila, contactless and mas mabilis 'yung kanilang pagsakay, 'yung pagdating nila sa estasyon makakasakay agad sila ng tren," ani Jackie Gorospe, LRMC Head of Corporate Communications and Customer Relations.
Mas maginhawa raw ang QR code ticketing system dahil hindi na kailangang pumila para bumili ng ticket o mag-load ng card, kailangan lang mag-generate ng QR Code, i-download sa phone at ita-tap.
Dahil dito ay hindi na maoobliga ang pasaherong mag-top up ng minimum fare sa stored value o Beep cards.





Comments