top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Puwesto ng lotto outlet at kumbinasyon na magpapanalo ng jackpot sa misis na gustong yumaman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 29, 2020



Dear Maestro,


Almost three years na akong tumataya sa lotto, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakatikim ng panalo. Sana ay mabigyan n’yo ako ng suwerteng numero upang makaahon kami sa kahirapan at mapag-aral ko ang apat kong mga anak. Isang katulong lang ako ngayon, habang ang mister ko naman ay pa-extra-extra lang sa construction at minsan ay ume-extra rin sa pagta-trabaho sa bukid.


Isinilang ako noong April 6, 1988 at ang mister ko naman ay noong January 12, 1982 ang birthday. Ano ang masuwerte naming numero na magpapatama sa amin sa lotto?

Umaasa,

Aries Girl ng Manatal, Pandi, Bulacan

Dear Aries,


Bukod sa sarili mong numero o birth date na 6 at destiny number na 9 (4+6+1988=1998/ 19+98=117/ 11+7=18/ 1+8=9) habang 3 naman ang birth date ng mister mo, na may destiny number naman na 6 (1+12+1982=1995/ 19+95=114/ 11+4=15/ 1+5=6), kapwa kayo mapalad sa tinatawag na numerong pasok sa series of 3-6-9.


Ibig sabihin, lahat ng numero na may sumatotal na 3-6-9 ay mapalad kayong mag-asawa, tulad ng 12, 21, 30, 39, 15, 24, 33, 42, 18, 27, 36, 45 at iba pang kauri nito. Puwede n’yo ring subukan ang 5, 16, 23, 25, 34 at 42, ganundin ang 3, 15, 21, 33, 37 at 40. Maaari rin kayong humugot ng kumbinasyon mula sa Kabalistic of Numbers: 2413/ 1930/ 1827/ 1874.


Bukod sa nasabing mga numero, kapwa rin kayo mapalad sa kulay na red, blue at violet. Ang nasabing mga kulay ang lagi n’yong suotin at gamitin upang mas madali n’yong mahigop ang magaganda at positibong kapalaran.


Bukod sa nasabing mga numero at kulay, kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-15 ng Marso hanggang ika-27 ng Mayo, mula sa ika-15 ng Hulyo hanggang sa ika-27 ng Agosto at mula sa ika-15 ng Nobyembre hanggang sa ika-27 ng Disyembre, higit lalo sa mga petsang series of 3-6-9 rin, tulad ng 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27.


Upang matiyak ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa isang restoran, kainan o karenderia. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa inyo ng jackpot sa 2021, sa edad mong 33 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page