top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Putol na heart line, pahiwatig na ‘di makakatuluyan ang mapapangasawa

BULGAR
Jul 2, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | July 2, 2022




KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako ngayon at niyayaya na niya akong magpakasal. Wala namang problema dahil nasa hustong edad na kami at nagmamahalan naman kami, pero nang makita ko ang aking Heart Line, putol o biyak ito, habang pabaluktot at pababa naman ang unang Marriage Line sa aking palad. Sa pagkakaalam ko at base sa inyong mga artikulo, ang ganu’ng guhit sa mga palad ay nangangahulugan na mahihiwalay sa asawa o mababalo. Tama ba?

  2. Ito ang gumugulo sa isip ko ngayon, kaya parang natatakot akong mag-asawa. Pinangangambahan ko kasing baka hindi rin maging maligaya ang papasukin naming pagpapamilya.

  3. Kung totoo na ganu’n ang mangyayari sa aking kapalaran base sa pagkakaintindi ko sa guhit ng aking mga palad, tama ba ang iniisip kong ‘wag na lang mag-asawa upang hindi ako makaranas ng kalungkutan sa larangan ng pagpapamilya?

KASAGUTAN


  1. Sa totoo lang, wala namang buhay na permanenteng masaya. Sabi nga ng sikat na pintor na si Leonardo Da Vinci, “There is no perfect gift without great suffering,” ibig sabihin, bahagi ng buhay ang pagdurusa at pagkatapos nito, ikaw naman ay magiging maligaya.

  2. Kaya kung ang itinakda sa iyo ng kapalaran ay mawalan ng asawa o magkaroon ng malungkot na love life, ‘wag kang matakot na danasin ‘yun dahil hindi porke nawala ang iyong asawa ay tapos na ang istorya ng iyong buhay. Sa totoo lang, hindi natatapos ang kuwento ng buhay ‘pag namatay ang bida, bagkus, kapag itinuloy ang istorya, ang pagkawala o pagkasawi ng bida ay magiging simula ng paglabas ng ikalawang bida na siyang magbibigay ng panibagong sigla, tagumpay at pag-asa sa mga mambabasa at sa mga magsing-irog na nagmamahalan.

  3. Bagama’t maaaring tama ka, Clarissa, na medyo negatibo nga ang nais ipahiwatig ng nabiyak o naputol na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.), na sinuportahan pa ng dumausdos na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagsasabing may tendency na sa iyong pag-aasawa, ikaw ay mabalo o mahiwalay sa kanya.

  4. Subalit tulad ng naipaliwanag na, hindi naman sa pagkawala ng iyong asawa natatapos ang kuwento at drama ng buhay. Sa halip, simula pa lang ‘yun ng susunod na senaryo sa pagpihit ng kamera, kung saan ayon sa ikalawang mas malinaw, tuwid at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) at sa ikalawang pag-aasawa, walang duda na habambuhay ka nang liligaya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Paborito kong philosopher ang ateista si Friedrich Nietzsche na nagsasabing, “God is dead, pero may darating na Superman,” ganundin si Arthur Schopenhauer na nagsasabi namang, “Life must be some kind of mistakes…it is a sin to be born!” Para kasing sa kanilang mga akda, ang dalawang German philosophers na ito ay tila naghahamon na minsan pa, sa ating karanasan, patunayan mong buhay ang Diyos at hindi isang pagkakamali ang mabuhay. Sapagkat may kakayahan kang gapiin ang bawat pagdating ng mga misirableng karanasan sa buhay nating ito.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Clarissa, huwag kang matakot na harapin ang hamon ng kapalaran, kaya mag-asawa ka. Pagkatapos ng mga kabiguang mapapala mo sa unang pag-aasawa, tandaang hindi pa ru’n natatapos ang istorya ng iyong buhay. Sapagkat sa ikalawang pag-aasawa, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya (Drawing A. at B. 2-M arrow c.), na hatid ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Libra.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page