Pusher ng shabu ang kubrador ng STL-con jueteng sa Pasig, Marikina, Mandaluyong at Rizal?!
- BULGAR
- Jan 13, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 13, 2023
KUBRADOR NG STL-CON JUETENG SA PASIG, MARIKINA, MANDALUYONG AT RIZAL, TULAK NG SHABU—May impormasyon na tulak ng ilegal na droga ang karamihan sa mga kubrador ng Small-Town Lottery (STL)-con jueteng nina "Kits" at "Egay" sa Pasig City, Marikina City, Mandaluyong City, San Juan City at Rizal province.
Dapat gumawa nang aksyon sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Marikina City Mayor Marcy Teodoro, Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, San Juan City Mayor Francis Zamora at Rizal Gov. Rebecca Ynares para ma-stop na ang raket na STL-con jueteng nina "Kits" at "Egay" dahil kung "nganga" sila—baka hindi lang illegal gambling ang lumaganap, kundi pati illegal drugs.
◘◘◘
PRESYO NG SIBUYAS, MAS MATAAS PA SA PRESYO NG BAKA—Sa buong mundo, ang isa sa pinakamahal na pagkain ay karne ng baka.
Pero onli in da 'Pinas, na mas mahal pa ang sibuyas kaysa sa karne ng baka.
Ang per kilo ng karneng baka sa Pilipinas ay nasa P380 hanggang P480, pero ang per kilo ng sibuyas ay umabot ng P720.
◘◘◘
SA PAGPASOK NG 2023, IBINIDA NG MWSS ANG DAGDAG-BAYARIN SA TUBIG—Inanunsyo ng Metropolitan Water Sewerage System (MWSS), na wala nang atrasan ang pagtaas-singil sa konsumo ng tubig ngayong Enero.
Ibang klase rin itong appointee ni Pangulo Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa MWSS, kapapasok lang ng 2023 ay dagdag-pahirap sa mamamayan agad ang ibinibida.
◘◘◘
BOLADAS LANG PALA SA MAMAMAYAN ANG SINABI NG DOTr NA WALANG DAGDAG-PASAHE SA LRT NGAYONG 2023—Last November 2022 ay inanunsyo ni DOTr Sec. Jaime Bautista, na walang plano ang pamahalaan na magtaas ng dagdag-pasahe sa LRT 1 at LRT 2 sa 2023, pero kamakalawa ay isinapubliko ng Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) na aprub ang dagdag-pasahe na P2.29 at 0.21 centavos kada isang kilometro ng biyahe ng mga commuters ng LRT 1 at LRT 2.
Patunay 'yan na boladas lang ang sinabi ng DOTr na walang dagdag-pasahe sa LRT 1 at LRT 2 sa pagpasok ng 2023, buwisit!





Comments