top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Puro hirap ang naranasan, sasaya at uunlad sa biglaang suwerte

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 28, 2022



Dear Maestro,


Ako ay Taong Kuwatro dahil February 13 ang birthday ko at halos lahat ng pagsubok sa buhay ay naranasan ko na. Mula sa sobrang kahirapan noong ako ay nasa probinsya pa hanggang iwanan ako ng aking asawa.


Sa ngayon, ako ang nag-aaruga sa tatlo kong anak at parang ayaw ko nang mag-asawa ulit dahil na-trauma na ako sa una kong asawa, na bukod sa lasenggo at maraming bisyo ay nambubugbog pa. Naisipan kong sumangguni sa iyo, Maestro, upang malaman kung sa kabila ng mga kahirapan at pagsubok na naranasan ko, may pag-asa pa bang makaahon ako at kung mayroon, sa paanong paraan at kailan ako makadarama ng kahit kaunting ligaya?



Umaasa,

Sol ng Burgos, Lupao, Nueva Ecija

Dear Sol,


Hindi mo naman binanggit ang kumpletong birthday mo para nakita natin ang taon ng iyong pagsilang at nakompyut sana natin ang destiny number mo.


Gayunman, analisahin natin ang birth date mong 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) at zodiac sign mong Aquarius na nagsasabing halos “pure four personality” ka, lalo na kung 4 rin ang destiny number mo. Ibig sabihin, maraming biglaang suwerte ang kusang darating sa iyong buhay.


Maaari kang biglang manalo sa pa-raffle, makapag-asawa ng mayaman o bigla kang makapag-abroad. Basta tandaan mo, ang mga bagay na mahirap mangyari at biglaan ang kusang darating sa iyong buhay.


Ang kailangan lang ay maging aktibo ka sa gawaing panrelihiyon, anumang relihiyon ang kinaaaniban mo ngayon. Sa halip, ang mahalaga ay ang debosyon mo sa espirituwalidad.


Maaaring personal na debosyon o community service o mga gawaing pang-komunidad na pasok pa rin sa relihiyong iyong kinaaniban.


Basta ang kailangan sa isang Taong Kuwatro para siya ay makasagap ng biglaang suwerte at magagandang kapalaran ay magkaroon siya ng debosyon. At dahil dito, hindi niya alam na ru’n siya nakakakuha ng lakas at nagkakaroon ng payapang kaisipan.


Kapag payapa ang isipan ng Taong Kuwatro na tulad mo, kusa mong masasagap ang suwerte at magagandang kapalaran.


Ang isa pang paraan para suwertehin ka ay palagi kang magsuot ng dilaw o itim, puwede rin ang berde dahil ang mga kulay na ‘yan ang mapapalad para sa iyo.


Dagdag pa rito, makipagkaibigan ka rin sa mga taong siguradong makakatulong at magbibigay sa iyo ng magagandang suwerte at kapalaran, sila ang mga taong isinilang sa zodiac sign na Gemini, Libra, Leo at kapwa mo Aquarius, higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 8, 17 at 26.


Samantala, kusang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-20 ng Mayo hanggang sa ika-25 ng Hunyo, mula sa ika-20 ng Setyembre hanggang sa ika-25 ng Oktubre at mula sa ika-20 ng Enero hanggang sa ika-25 ng Perbrero.


At panghuli, kailangan din ang bahagyang pagbabago o inobasyon sa iyong lagda.


Huwag mong pagpatungin sa unahang bahagi ang letrang “S” at “G”, sa halip, paghiwalayin mo ang dalawang ito at isunod mo ang iyong apilido. Sa ganyang pirma o sa inisyal ng iyong pangalan at middle name at pagkatapos ay ang iyong apilido na hindi nababoy, bagkus ay suwabeng-suwabeng isinulat sa direksiyong kanan, magiging negosyante ka, hanggang sa tuloy-tuloy na umunlad at yumaman.


Ang lahat ng magagandang pangyayaring inilarawan sa itaas, kung susundin mo ngayon pa lang ang mga mungkahing nabanggit, sa susunod na taong 2023, magbabago na ang buhay mo.


Magsisimula ka nang umunlad at kasabay nito, darating ang ikalawang lalaki sa iyong karanasan, isang tapat na lalaking magmamahal sa iyo hanggang habambuhay ka nang lumigaya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page