Purnada ang kasal dahil sa pandemya, matutuloy sa 2021
- BULGAR

- Aug 6, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 6, 2020
Dear Maestro,
Kung hindi nagka-COVID-19, magpapakasal na kami ng boyfriend ko sa December dahil pareho kaming may edad na, siya ay 34-anyos habang ako naman ay 32. Ang problema ay nagka-COVID at nawalan ako ng trabaho dahil nagsara na ang opisina na pinapasukan ko. Kaya ngayon, 'yung BF ko na lang ang may trabaho, pero bihira na rin silang papasukin. Kaya ngayon ay naghahanap siya ng mas stable na career dahil graduate siya ng engineer at nakapasa siya sa board exam. May kaunti siyang ipon para magamit sa aming kasal at malapit na ring matapos ang hinuhulugan niyang house and lot.
Dapat na ba akong pumayag sa inaalok niyang kasal? Sakaling kami na ang magkatuluyan, magiging maunlad at maganda ba ang resulta ng bubuuin naming pamilya? Kung magpapakasal na kami, ano ang magandang buwan, petsa at taon para suwertehin at umunlad ang aming itatayong pamilya? Balak naming sa susunod na taon na lang magpakasal, suwerte ba kami sa 2021? November 28, 1987 ang birthday ko at March 31, 1986 ang birthday niya.
Umaasa,
Ms. Sagittarius ng Sto. Niño, Galas, Quezon City
Dear Ms. Sagittarius,
Tunay na compatible ang zodiac sign mong Sagittarius sa zodiac sign na Aries ng boyfriend mo, ganundin ang birth date mong 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) at ang birth date na 31 o 4 (ang 31 ay 3+1=4) ng boyfriend mo, kaya naman kung inaaya ka na niyang magpakasal at mahal niyo ang isa't isa, at idagdag pang nasa hustong edad na kayo at may stable job siya dahil tulad ng nasabi na, tugma naman kayo sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, kaya sa 2021 at kataon ng marahil ay papatapos na ang problema ng mundo sa COVID-19, mas magandang magpakasal na kayo.
Kung isasaalang-alang ang mga rason na inilahad sa itaas, mawawaring walang hadlang upang hindi ka pumayag sa kasal na inaalok ng boyfriend mo. Nakatutuwa pa ang inyong sitwasyon dahil matino siya, nag-aaya ng kasal, may ipon at may hinuhulugan pang house and lot.
At tulad ng nasabi na, ayon sa iyong mga datos, compatible ang zodiac sign mong Sagittarius sa zodiac sign namang Aries ng boyfriend mo, ganundin ang birth date mong 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1) sa birth date na 31 o 4 (3+1=4) ng boyfriend mo. Ang nasabing mga numero ay madalas na nagkaktuluyan, ganundin ang zodiac sign na Sagittarius at Aries at sa sandaling sila ay nagkatuluyan, tuluy-tuloy din silang sinusuwerte sa pagtatayo ng pamilya.
Sa 2021, puwedeng-puwede na kayong magpakasal. Piliin ang mga buwan ng Mayo, Hunyo, Oktubre hanggang Disyembre, sa mga piling petsang 1, 10, 19, 28, 2, 11, 20, 29, 5, 14, 23, 7, 16 at 25. Ituon lamang ang araw ng kasal kung saan nasa full moon, new moon o first quarter ang buwan, upang sa ganu'ng diskarte, tulad ng papabilog at papasikat na buwan sa langit, magiging papabulas at papaunlad din nang papaunlad ang itatayo n'yong pamilya.
Pula, berde o dilaw ang magandang motif sa kasal, gayundin sa mga gamit sa inyong tahanan. Sa ganyang mga kulay, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa itatayo n'yong pamilya, habang patuloy kayong nagsasama at nagmamahalan habambuhay.




Comments