Pura Luka, no show ulit sa hearing
- BULGAR

- Sep 16, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | September 16, 2023

Hindi na naman dumalo sa ikalawang pagkakataon ng isinasagawang preliminary investigation sa Manila Prosecutors Office ang drag queen na si Pura Luka Vega.
Ayon kay Val Samia, presidente ng Hijose del Nazareno ng Quiapo, mukhang binabalewala ni Pura Luka ang isinampa nilang kaso.
Kasong indecent show at umano'y paglabag sa cybercrime law ang isinampa ng mga opisyal ng Hijos del Nazareno mula sa Simbahan ng Quiapo kaugnay ng "Ama Namin" drag performance ni Pura Luka.
Gayunman, sinabi ni Samia na handa naman ang Hijos del Nazareno na iatras ang kaso, humingi lang ng tawad si Pura Luka sa mismong Simbahan ng Quiapo.
Nabatid na maaaring maglabas na ng resolusyon ang Manila Prosecutors Office dahil sa dalawang beses na pagbabalewa ng drag queen sa preliminary investigation.








Comments