top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pumili ng matinong kandidato, 'wag magpadikta sa iba

BULGAR
May 2, 2022
1 min read

@Editorial | May 2, 2022


Isang linggo na lang at halalan na. Pagkakataon na para ibigay ang sagradong boto.


Bagama't mabilis na natatapos ang bawat araw, may panahon pa para mag-isip at kilatisin ang mga kandidatong iboboto.


May sapat pang oras para malaman kung sino ang may kakayahan sa pagpapatakbo ng gobyerno at higit sa lahat, kung sino ang may tunay na malasakit sa bayan.


Batid natin na lubhang naging makulay at maingay ang nagaganap na kampanya. Higit na naging aktibo ang lahat, lalo na ang mga kabataan. Nakakatuwa na talagang nakikisangkot ang lahat sa napakaimportanteng tagpong ito. Nangangahulugan ito na lahat ay mulat at may pakialam sa bayan.


Lahat ay nais na maging bahagi ng pagbabago para sa mas magandang bukas.

Bagama't hindi maiwasan na ang sobrang suporta sa kandidato ay nagiging dahilan naman para sa pagtutunggalian.


Kapansin-pansin sa social media na grabe ang mga post at comment na nauuwi na sa 'di pagkakaintindihan. May mga pamilya o magkakaibigan na labis na naapektuhan.


At sa kabila ng gulo at magkakaibang gusto, sana'y magkaroon tayo ng pagkakataon na makapamili ng sariling kandidato.


Hindi dapat magpadikta o matakot, puwedeng pakinggan ang magkakaibang panig pero sa huli ang ating konsensya ang dapat na manaig.


Humingi tayo ng gabay mula sa Itaas para makapagluklok tayo ng mga mas karapat-dapat na pinuno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page